Azkals Etheridge makalalaro na sa PH team

MULING maglalaro para sa Philippine football team o Azkals si Fil-British goalkeeper Neil Etheridge para sa nalalapit na laban kontra Mongolia sa Asian Football Confederation (AFC) Challenge Cup ngayong Pebrero 9 sa Panaad Stadium sa Bacolod City.

Sa isang interview, sinabi ni Dan Palami, team manager ng Azkals na nangako ang Fulham Football Club na papayagan nila si Etheridge na makapaglaro para sa Pilipinas.

Si Etheridge ay nasa United Kingdom ngayon, kung saan siya ay itinaas na sa first team pagkatapos na maghain ng leave of absence ang starting goalkeeper ng Fulham na si Mark Schwarzer upang maglaro para sa Australia sa AFC Asian Cup sa Doha, Qatar.

Malaki ang naging papel ni Etheridge sa pagpasok ng Pilipinas sa semi-finals ng AFF Suzuki Cup sa unang pagkakataon sa loob ng 14 na taon.

Dahil sa magandang performance ng Azkals, nabuhay ang interes ng mga Filipino sa larong football.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply