‘Babawi ako sa UFC!”— Vera

IPINAHAYAG kahapon ni Fil-Am UFC fighter Brandon Vera na babawi pa siya sa mga susunod niyang laban.

Ito ay matapos matalo siya ni Thiago Silva sa pamamagitan ng dominanteng unanimous decision victory laban kay Vera.

Kakaiba ang ipinakita ni Silva nang dalhin sa lona ang laban sa loob ng tatlong rounds at kinontrol ang halos kabuuan ng laban.

Dismayado rin si Vera dahil nabasagan siya ng ilong sa final round dulot ng malulupit na sapak na inabot niya mula kay Silva.

Nagtala ang mga hurado ng 30-26 at 30-27 twice kung saan pabor lahat kay Silva.

Samantala, dahil doon si Vera ay mayroon nang tatlong magkasunod na talo sa ibabaw ng octagon.

Sa main event naman ay nagtabla sa rematch sina Frankie Edgar at Gray Maynard kung saan umabot ng limang rounds ang sagupaan. Gilbert Perdes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply