Bacalzo, Robredo sinabon ni Enrile

GINISA ng mga senador sina PNP chief director General Raul Bacalzo at DILG Sec. Jessie Robredo kaugnay ng serye ng mga kriminalidad sa bansa na kinabibilangan ng carnapping, pagkakasangkot ng mga pulis sa krimen at ang pinakahuli ay ang pagsabog sa isang bus sa Makati na ikinamatay ng limang katao at 13 ang nasugatan.

Kasabay ng pagdinig ng Senate committee on public order and illegal drugs na pinamumunuan ni Sen. Gringo Honasan, blangko pa rin ang pulisya kung sino ang nasa likod ng malagim na pagsabog sa isang bus kahapon, sa halip tanging masabi lamang ni Bacalzo ngayon ay ang ginamit sa pasabog at ito aniya ay 81mm mortar na siya ring ginagamit na IED sa mga naganap na pagsabog sa Central Mindanao.

Dahil dito, nakatikim ng sermon mula kay Senate President Juan Ponce Enrile sina Bacalzo at Robredo.

Ayon kay Enrile na dating kalihim ng Defense Department, noong panahon nila ay hindi nangyayari ang serye ng kriminalidad tulad ngayon dahil mahigpit na nakatutok ang pinuno ng departamento sa kanilang tungkulin.

Hindi rin pinalampas ni Enrile ang aksyon ng pulisya laban sa Lozano-Evangelista carjacking slay case, kung saan pinagduduhan pa nito ang mga ebidensyang narekober ng mga awtoridad sa umano’y hideout ng Dominguez carnapping syndicate sa Pampanga na aniya’y hindi malayong isipin na planted ito dahil hindi umano logical na isipin na ang mga salarin ay nag-iingat ng mga ebidensya laban sa kanila.

Bagama’t aminado ang pangulo ng Senado na may problema sa kasalukuyang istruktura ng pamahalaan, partikular na sa lebel ng kalihim ng DILG na umano’y hindi direktang nakikialam sa operasyon ng pulisya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply