Bacolod all set na sa Azkals vs Mongolia

PATULOY na ang pagsikat ng football sa bansa at inaasahan nang dudumugin ang Panaad Football Stadium sa Bacolod City kapag pumasa ito sa international standard at payagan na doon ganapin ang laro ng Philippine National Football team kontra sa Mongolia sa AFC Challenge Cup ngayong Pebrero 9.

Sa isang interview, sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) chairman Monico Puentevella na puspusan ngayon ang pagsasaayos ng ground at mga ilaw ng stadium.

Ayon sa ulat, darating sa bansa sa Enero 15 ang mga kinatawan ng AFC upang tingnan ang kalidad ng Panaad Stadium.

Sinabi ng fans na malaki ang tsansa ng Azkals na manalo kontra Mongolia lalo pa’t sa ating bansa gaganapin ang laban.

Ang mga miyembro pa rin ng Azkals na nakapasok sa semi-finals ng AFF Suzuki Cup ang maglalaro kontra Mongolia.

Inaasahang makakapaglaro na para sa bansa ang Fil-British goalkeeper na si Neil Etheridge na nasa United Kingdom ngayon at naglalaro sa Fulham Football Club sa UK premier football league.

Posible ring makabalik na bilang coach ng Azkals si Simon McMenemy kapag naayos na nito ang kanyang lisensiya.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply