Bacon, Farenas wagi sa ‘sapakan’

IPINAHIYA ni James Bacon si Jake Verano ng Cagayan de Oro matapos sumikwat ng unanimous decision sa main event ng “Tunay na Lakas”: Boxing’s Best” fight card kamakalawa sa I.T. Park sa Lahug, Cebu City.

Si Bacon ay gumamit ng matitinding jab at hooks sa katawan ni Verano kung saan kahit nasaktan ang huli ay sumugod pa rin nang sumugod.

Nabatid na si Verano ay nakasapol ng mga solidong counters ngunit nakaltasan ng puntos sa round seven dahil sa accidental head butt na nagpasabog ng kilay ni Bacon.

Kasabay nito, tinalo naman ni Jason Egera si Rolando Magbanua sa pamamagitan ng split decision habang sa iba pang undercards ay nanalo sina Albert Pagara, Basilio (Boyce) Sultan at Michael Romarate sa kanilang pro debuts.

Si Albert ay nakababatang kapatid ni lightweight star Jason Pagara habang si Boyce Sultan ay kapatid naman ni dating WBF welterweight champ Dondon “The Supremo” Sultan.

Samantala, si featherweight Michael Farenas, ang hard-hitting southpaw na katulad ng galaw ni dating two division world champion Gerry Peñalosa ay nangibabaw nang makahugot ng majority ten round decision laban kay Ariel “Machine Gun” Delgado.

Ang bakbakan ng dalawa ay ginanap sa Wawa basketball court sa Barangay Sto. Nino, Parañaque kung saan nanood sina multi-titled Australian promoter at popular KO Boxing TV host Peter Maniatis at dating Australian bantamweight champion Paul Ferrari.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply