Bading ‘di nagpautang, utas sa 2 senglot

ARESTADO ang dalawang kabataang lalaki matapos pagtulungang gulpihin hanggang mapatay ang isang baklang kapitbahay na tumangging magpautang sa Pasig City, Martes ng madaling-araw.

Kinilala ang mga suspek na sina Edmund Javier, 18 at Roman Victoria, 19, kapwa ng Barangay Rosario, nasabing lungsod, nahaharap sa kasong murder, matapos mapatay sa gulpi si Raymond Lacap.

Sa inisyal na pagsisiyasat, nabatid na nag-iinuman ang mga suspek at biktima nang mangutang sina Victoria at Javier kay Lacap.

Nang tumanggi ang biktima ay nagalit ang mga salarin kaya pinagtulungang bugbugin si Lacap hanggang mapatay.

Dalawang testigo naman ang positibong kumilala sa mga suspek na may kagagawan sa krimen. Ben Reyes

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply