Bago at ika-13 Zodiac sign, ikinaloka ni Madam Suzette Arandela

BINULABOG ng isang planetarium sa Minnesota sa Estados Unidos ang buong mundo kabilang ang lipunang Filipino at kalipunan at kadaigdig nito na showbiz.

Ibinabalita pa lang sa mga TV show, radyo, web at iba’t ibang pahayagan ay heto na ang mga artista at nagtatanong kay Madam Suzette Arandela kung bakit may ika-labintatlong horoscope sign na ang buong uniberso.

Alam na naman nating pinagkakaguluhan at mabili ang mga hula sa pang-araw-araw na buhay sa loob at labas ng Pinoy showbiz pero ang deklarasyon ng mga siyentista, astronomer, astrologer at iba pang may kaugnayan sa mga bituin at mga elemento ng kalawakan ay mali na ang mga hula na sinandigan at pinaniwalaan ng mga tao sa mga nakaraang araw, linggo, buwan, taon, dekada, milenya.

Nagrereklamo nga si Madam Suzette sa paglabas ng sinasabi at itinalagang 13th zodiac sign na Ophiuchus na nasa pagitan ng Sagittarius at Scorpio.

“Ano ba naman ‘yan? Bigla na lang tayong sinasaksakan ng ganyang mga kung anu-anong inimbento at natuklasan nila? Masyado naman ‘yan? Basta na lang ba natin tatanggapin ang ganyan?” pahayag ni Arandela ilang minuto bago kumalat ang ulat na may ika-labintatlong zodiac sign na.

***

Manghuhula nga si Madam ng mga sandaling ‘yon sa isang kilalang celebrity at pulitikong babae pero ipinagpaliban lang niya dahil sa naturete siya sa pangungulit ng GMA Network at iba pang istasyon ng telebisyon kaugnay sa kanyang masasabi sa paglabas ng 13th horoscope sign.

“Dapat ay idaan naman nila ‘yan sa legislation o kaya ay sa pagkunsulta sa mga tao o kaya ay sa mga kababayan nating scientist din at hindi basta na lang nila ii-impose. Kailangang may consultation sa tao dahil tayong mga Filipino ang tagatangkilik sa mga hula at daily horoscope,” pahayag ni Arandela.

“At saka, sabi sa research at pagtatanong ko sa mga astrologer, mga five thousand years pa raw lalabas ‘yang Ophiuchus na ‘yan pero bakit ilalagay agad nila sa horoscope natin.

“Nagulo na nga lahat. So, ang sinasabi, e, hindi lahat totoo ang mgainilabas na hula at prediction sa mga diyaryo at mga hula na ang ginamit at sinagot ay ang mga twelve zodiac signs na regular stuff natin.

“Nakakaloka talaga. Biglang-bigla ‘yan. Sana naman ay may stand ang ating mga kababayan, mga scientist natin o mga moralist o mga intellectual tungkol dito dahil questionable na ang resulta ng gabay sa horoscope sa araw-araw,” sabi ni Madam.

***

Kahit na si Zeny Marcelo-Poe, ang biyuda ni Conrad Poe at hipag ni Fernando Poe, Jr. ay naiinis sa pagsulpot ng Ophiuchus na zodiac sign dahil ang kanyang sinusunod ay Pisces ang kanyang horoscope sign.

“E, ano na ngayon ang zodiac sign ko? So, mali pala all the while ang mga nabasa kong hula sa akin sa mga newspapers and magazines at saka ‘yong mga inihula nina Jojo Acuin, Rene Mariano, Madam Auring, Madam Rosa sa atin?” tanong ni Zeny.

“Ako, mananatili akong Libra. Basta Libran pa rin ako forever,” palatak ni Korina Sanchez sa tabi nina Noli de Castro at Ted Failon samantalang nasa isang sulok si Gretchen Fullido.

Ikaw, ano ang masasabi mo sa panglabintatlong zodiac sign na ito?

LUMBA-LUMBA HITMAKER, MUNTIK MAMATAY

Samantala, muntik nang mamatay si Paul Toledo, ang singer na nagpasikat ng kantang “Lumba-Lumba” dahil sa malalang sakit.

Ayon kay Paul, talagang nagpahinga siya ng dalawang taon dahil parang nauupos siyang kandila noon.

Nagpasama pa siya sa kapwa singer na si Renz Verano para makapagpagaling sa mga bundok, halimbawa’y sa Mt. Banahaw o Mt. Arayat para makakuha ng mga ispiritwal na mga pangangailangan sa panggagamot sa mga sakit sa katawan at sa emosyon.

Sinabi ni Toledo na parang kinulam siya ng kung sino.

Pero ngayon ay nagbabalik sa eksena ang Rod Stewart of the Philippines sa pamamagitan ng pagkanta sa mga bar sa buong kapuluan.

Tuwing Biyernes ay nasa Master’s Den sa Shaw Boulevard si Paul at nagpapakilig sa mga kababaihan at kahit na sa kalalakihan sa pag-awit ng mga standard at jazz songs. Boy Villasanta

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply