Bagon ng MRT tumirik; pasahero nagpanic, 8 sugatan

NAGPANIC  ang mga pasahero ng MRT Santolan station makaraang biglang tumigil ang isa nilang bagon na ayon sa inisyal na ulat, nakitaan ng usok at nagresulta ng pangkasugat ng walo katao.

Batay pa sa paunang ulat ng dzBB, kasalukuyang nilalapatan ng paunang lunas ng mga red cross volunteers ang walong sugatan sanhi ng pagkakagulo ng mga pasahero.

Ayon kay MRT deputy  manager Nestor delos Santos sa panayam sa dzBB, batay imbestigasyon ng kanilang TESP, kumapit ang mechanical break  na naging sanhi para mangamoy.

Naantala naman ang pagbiyahe ng maraming pasahero dahil sa insidente.

Balik naman sa normal ang operasyon ng MRT habang ginarahe na sa shaw boulevard ang nasabing bagon upang hindi na makaabala pa sa operasyon nito.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa naturang kung insidente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply