Bagong “NBN-ZTE” niluluto – Jinggoy

IBINULGAR ni Senate President Jinggoy Estrada na “niluluto” ngayon sa Palasyo ang tinagurian nitong bagong “NBN-ZTE scandal” matapos aprubahan ng Department of Transportation and Communications (DOTC) ang P4 bilyong air traffic control system modernization.

Ayon kay Estrada, malamang magkaroon ng anomalya sa naturang proyekto dahil nakopo ng isang kompanyang bihasa sa paglalagay at korapsiyon ang pagtatayo at instalasyon ng modernong komunikasyon, navigation surveillance at air traffic management system (CNS/ATM) sa lahat ng pandaigdigang paliparan ng bansa.

Thales would be the technology partner of Sumitomo for the installation of a modern communication, navigation surveillance and air traffic management (CNS/ATM) system at the country’s international airport.

“There is more to this deal than meets the eye and for the sake of Pres. Noynoy Aquino’s call for transparency and the elimination of graft and corruption in government transactions, the people has the right to know if indeed, due diligence was conducted by the DOTC prior to the project’s awarding to Sumitomo of Japan and the Thales Group of France,” ayon kay Estrada.

Iginiit pa ni Estrada na kailangan mawala ang agam-agam at luminaw ang papawirin sa hinala hinggil sa kasunduan dahil hindi lamang bilyong salapi ng bayan ang nakasalalay dito, kundi ang buhay ng inosente.

Partikular na tinukoy ni Estrada ang kompanyang Thales, isang global electronic company na nagsusuplay ng aerospace, defense at security markets na may landas ng bad records sa loob ng maraming taon kabilang ang nabigong produkto na kumitil ng maraming buhay at alegasyon ng panunuhol sa dayuhang kliyente upang makorner ang business contract.

Katulad ng ma-eskandalong national broadband network (NBN) project noong 2007 na pinondohan ng utang mula sa China, tutustusan naman ang CNS/ATM project ng Y9 bilyong loan package (mga P4 bilyon) mula sa Japan International Cooperation Agency (JICA).

“I wonder if indeed, as Sec. Ping de Jesus claimed, he has thoroughly investigated the record of Thales or if he has taken into consideration the lessons learned from the NBN scandal before agreeing to award the contract to this company,” Jinggoy said, referring to DOTC Sec. Jose de Jesus. “This may be another ‘NBN scandal’ in the making at the DOTC,” babala niya.

Ilan sa isyu na inilantad ni Jinggoy laban sa Thales nang matukoy ng European Aviation Safety Agency noong 2009 na pangunahing sanhi ng pagbagsak ng isang Air France Airbus A330 noong June 1, 2009 sa Atlantic Ocean ang speed sensor ng naturang kompanya na ginamit sa Airbus commercial jets na kumitil ng 288 buhay.

“Then there is an article from the AFX news wire service in 2005 stating that the French police raided Thales’ headquarters that December after one of its own officials accused the company of ‘organising a centralised slush fund to bribe and corrupt officials to win contracts,’” patuloy pa ni Jinggoy.

Sa Pilipinas, nabigo ang Thales na ideliber ang P1 bilyong halaga ng 19 na global marine distress safety system (GMDSS) upang mapahusay ang kaligtasan sa pagbiyahe sa karagatan sa bansa kaya’t inirekomenda ng Commission on Audit (COA) na ipagbawal ang kompanya na makipag-negosyo sa pamahalaan.

“Against such known facts, why did the DOTC, even under the new administration, seen it fit to turn a blind eye on this company’s performance and continue awarding it with fat contracts,” tanong ni Estrada.

“Is this latest deal with Thales-Sumitomo the kind of example of the ‘tuwid na landas’ that Pres. Noynoy Aquino said he would pursue since he was campaigning for the presidency?”  “We will soon get to the bottom of this mess.” Ernie Reyes

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply