Bagong Fil-European players ng Azkals, ‘di pa makalalaro

SIGURADONG hindi pa makalalaro ang ilang bagong Fil-European players ng Philippine national football team “Azkals” kontra sa Mongolia sa AFC Challenge Cup sa Panaad Stadium sa Bacolod City sa Pebrero 9 dahil sa problema sa mga papeles nito.

Inamin ni Dan Palami, team manager ng Azkals, na maaring magbago ang listahan ng 31  pangalang isinumite nila sa Asian Football Confederations dahil ang ilan sa mga manlalaro nila ay kulang pa sa papeles.

“Ilan sa mga players na nasa line-up na hindi pa maayos ang papeles at hindi pa nakakukuha ng Philippine passport ay sina Fil-German Stephan Schrock, Jan Patrick Hinrichsen at Oliver Potschke at Fil-Danish Jerry Lucena,” ani Palami.

Maliban sa mga datihang player ng Azkals, na nakapasok sa semi-finals ng  AFF Suzuki Cup, kasama rin sa listahan sina Fil-German Patrick Herget at William Espinosa at Fil-American Jason Sabio na kasama na ngayon ng national team sa pag-eensayo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply