Bagsak sa eskwela, nagbigti

DAHIL sa pangambang hindi makakasama sa listahan ng mga magtatapos sa darating na Marso dahil bumagsak sa dalawang major subjects, kaya nagawang magbigti ng 21-anyos graduating student sa Sta. Mesa Maynila, iniulat Miyerkules.

Hinihinalang may ilang oras nang patay si Ramuel Solomon Perez,  estudyante ng Eulogio Amang Rodriguez Institute of Technology (EARIST) ng 273 D. Ampil St., Sta Mesa, Manila, nang matagpuan ng kanyang kamag-anak.

Sa report ni PO2 Alonzo Layugan ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 6:30 ng gabi nang nadiskubreng patay na ang biktima sa 2nd floor ng inupahang bahay.

Ayon kay Rowena Sibal, 35, kapatid ng biktima, kakauwi niya lamang mula sa trabaho nang mapansing patay ang ilaw ng kanilang bahay.

Nang pumasok at buksan ang ilaw ay bumulaga sa kanya ang kapatid na nakabitin sa kisame gamit ang electrical cord.

Ayon kay Rowena, nitong November nalaman ng kanyang kapatid na bumagsak siya sa dalawang major subject at nagtangka na ring magpakamatay pero naagapan lamang ng isa pa nilang kapatid.

Hinala ng pamilya ng biktima na posibleng nakumpirma ni Ramuel na hindi siya makaka-graduate kaya tuluyan itong nagpatiwakal. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply