Bagyo maagang mararanasan — PAGASA

MAAGANG mararanasan ang bagyo sa bansa ngayong taon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Batay sa panayam ng DZMM kay PAGASA Officer-in-Charge (OIC) Dr. Graciano Yumul, isang bagyo ang inaasahang tatama sa bansa ngayong Enero at may posibilidad ding magkaroon sa Pebrero at Marso dahil na rin sa La Niña phenomenon.

Nabatid din kay Yumul na maraming mararanasang matitinding bagyo sa pagpasok ng buwan ng Hunyo.

Mararanasan pa rin ang malamig na panahon na magtatapos pa sa kalagitnaan ng Pebrero kung saan inaasahang bababa pa sa 18 degrees Celsius ang temperatura sa bansa.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply