Bagyong Amang natunaw na, LPA nagbabanta sa Mindanao

TULUYAN nang natunaw ang bagyong Amang subalit inaasahan na lalo pang magiging maulan sa silangang bahagi ng Mindanao at Visayas bunsod ng umiiral na low pressure area.

Sa latest satellite and surface data ng kagawaran, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 280 kilometro ng silangan-hilagang-silangan ng Davao City.
Samantala, patuloy na umiiral ang northeast monsoon sa bahagi ng Luzon.

Dahil dito, pinag-iingat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration ang mga residente lalo na sa mapanganib na lugar na maging alerto sa banta ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.

Ayon kay Engr. Oscar Tabada, weather bureau chief ng PAGASA, tuluyan nang natunaw ang bagyong Amang na pumasok sa Philippine area of responsibility na tatama sana sa bahagi ng Cebu.

Ayon kay Tabada, kailangan pa ring maging handa ang mamamayan dahil sa mga pag-ulan dala ng epekto ng La Niña phenomenon.

Nabatid na umabot na sa 75 ang nasawi habang 22 ang nawawala habang nasa P2 bilyon ang pinsala sa imprastraktura, agrikultura at mga ari-arian bunsod ng mga pagbaha at pagguho ng lupa dulot ng mga pag-ulan sa mga nakalipas na araw sa bahagi ng Bicol region, Visayas at Mindanao. – Alex Ching


loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply