Baha at landslide sa South Luzon nakaamba

MATAPOS ang pinsalang naganap sa Bicol Region at Eastern Visayas noong nakaraang linggo, nagbabanta na naman ang  flash floods at landslides bunsod ng malalakas na pag-ulan sa Quezon province at Southern Luzon, batay sa weather forecasters.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang nararanasang malalakas na pag-ulan ay bunsod ng tail-end at cold front na nakaaapekto sa Southern Luzon, Visayas,  at Mindanao.

“Residents in Quezon, Bicol and Eastern Visayas should take precautions. The northeast monsoon and the diffused tail-end of a cold front are still strong,” ayon kay PAGASA forecaster Manny Mendoza sa isang panayam sa dzBB.

Samantala, 42  katao na ang namamatay sa nakaraang pagbaha at landslides na tumama sa Bicol, Visayas at Mindanao noong mga nakaraang linggo.

“Southern Luzon, Visayas and Mindanao will experience mostly cloudy skies with scattered rainshowers and isolated thunderstorms becoming cloudy with widespread rains over Quezon Province, Bicol Region and Eastern Visayas which may trigger flashfloods and landslides. The rest of Luzon will be mostly cloudy with scattered rains,” ayon naman sa 5a.m. bulletin ng PAGASA.

Pinaaalalahanan naman ang mga mangingisda na pumapalaot sa eastern seaboards ng Luzon at Visayas na magiging maalon ang karagatan sa Silangan.

“Medyo malakas ang alon sa karagatan sa silangan, maging sa taas sa kanlurang bahagi ng Luzon”  ayon pa kay Mendoza. Marj Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply