Baha sa Caraga region, 1 nawawala, 800,000 pamilya apektado

NAWAWALA ang isang lalaki habang 8,000 pamilya na ang apektado sa 65 barangay makaraang ragasain ng pag-ulan ang Caraga region sa loob ng tatlong araw.

Ayon sa ulat ng Office of the Civil Defense at Regional Disaster Risk Reduction Management Council-Caraga, patuloy pa ang kanilang paghahanap sa nawawalang biktima na si Amado Basadre, ng Hunrado, San Francisco, Surigao del Norte na hinihinalang naanod sa kasagsagan ng baha.

Nabatid na nabaha ang Surigao del Norte na kinabibilangan ng Alegria, Claver, Gigaquit, Mainit, San Benito, Sison, Socoro, Taganaan at Surigao City sa Agusan del Sur at Dinagat Island.

Ayon sa talaan ng RDRRMC-Caraga, umabot na sa 740 pamilya o 3,696  katao ang apektado na ng baha sa Dinagat Island.

Matatandaang  nakaranas ng power blackout ang Malimono, Surigao del Norte habang na-washout ang Tubgan Bridge bunsod ng walang humpay na pag-ulan.

Patuloy naman ang pagbibigay ng tulong ng lokal na pamahalaan at RDRRMC-Caraga sa mga apektadong residente sa iba’t ibang rehiyon. Marj Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply