Balasahan ikakasa sa Air21

DAHIL lumayas na si Coach Yeng Guiao sa Air21 Express, nangangahulugan umano na magkakaroon naman ng balasahan sa koponan.

Nabatid na may mga hindi umano nakakasundo si Guiao sa Express dahilan upang kumalas ito nang tuluyan sa grupo na matagal din niyang tinimunan.

Dulot ng nasabing pangyayari, lumalakas na rin ang alingasngas na sina Severino “Noynoy” Baclao at Al Hussaini ay isusuka umano sa team sa pamamagitan ng trade.

Nagpahayag naman ang ilang kritiko na hindi lang umano pinansiyal na usapin ang dahilan nang tuluyang pagbibitiw ni Guiao sa Express kundi maging ang mahina nitong puwersa.

“In short, not capable enough….old style na ang coaching niya,” pahayag ng isang kritiko. “Dapat ‘di siya (Guiao) namimili ng team. Kahit pa mga unano ang mga cagers mo, kung magaling kang coach, maipapanalo mo sila.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply