Balo sinaksak ng lasenggero, kritikal

NASA malubhang kalagayan sa pagamutan ang isang 47-anyos na  lalaki makaraang saksakin ng isang suspek na umano’y lango sa alak habang nakatayo sa tapat ng isang paaralan, madaling-araw ng Lunes sa Valenzuela City.

Nagtamo ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan si Danny Glamindo, 47, balo ng 6156, Saint Bernadith Gen. T. De Leon, nasabing lungsod at kasalukuyang ginagamot saValenzuela General Hospital.

Samantala, kinilala ng pulisya ang suspek na kasalukuyang pinaghahanap na si Leo Bangkolo, binata, construction worker, ng Parola Homes, Gen. T. de Leon, at nahaharap sa kasong frustrated murder.
Base sa nakalap na impormasyon mula sa Station Investigation Division  (SID), ganap na 12:00a.m. nang maganap ang pananaksak sa tapat ng Corinthian High School sa Parola homes.

Sa pahayag ng saksing si  Willie Ontayo, security guard ng Parola homes, nakatayo at nag-aantay ng masasakyan ang biktma nang biglang lumapit si Bangkolo sabay  naglabas ng patalim at agad inundayan ng saksak ang nabiglang biktima.

Makaraang maisagawa ng suspek ang pananaksak,  mabilis itong tumakas dala ang patalim.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang motibo sa tangkang pamamaslang. Roger Panizal

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply