Banggaan ng trak at multi-cab sa Davao; 7 patay, 4 sugatan

PITO ang patay habang  apat ang sugatan sa salpukan ng isang multi-cab at trak  sa Davao del Norte, Huwebes.

Ayon  kay Chief Superintendent Agrimero, nagkabanggaan ang isang multi-cab (LWT 762) na minamaneho ni  Nando Pajanostan Oros, at  Isuzu forward truck (WTD 102) na minamaneho naman ni Albin Galon Pagay.

Nabatid na naganap ang insidente bandang  12:30 p.m., nang Huwebes  sa  Davao-Agusan National Highway sa Brgy. Bincungan , Tagum City, Davao del Norte.

Hindi naman mabatid kung ang lahat ng biktimang pasahero ay sakay ng multi-cab o ang ilan ay lulan naman ng trak.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon,  sinabi ni  Cruz na nasa ilalim ng impluwensiya ng alak si  Pagay habang nagmamaneho. Si Pagay ay nasa kustodiya na ng Tagum City police. Marj Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply