Banggaang Simbahan, Senado sa RH Bill tuloy

TILA matutuloy na ang inaasahang banggaan ng Simbahang Katoliko at Senado matapos tiyakin ng isang senador na ipagpapatuloy ang pagdinig sa kontrobersiyal na Reproductive Health Bill kahit hindi prayoridad ng Senado.

Sinabi ni Sen. Pia Cayetano, tagapangulo ng Senate committee on health, na ipagpapatuloy niya ang pagdinig sa Senate Bill No. 2378 bilang paggampan sa kanyang tungkulin bilang mambabatas.

“There is a legislative process that must be observed and as chair of the primary committee that is hearing the RH Bill, it is my duty to take the proposed measure through said process, whether or not it falls under the priorities of the current Senate majority,” ayon kay Cayetano.

Nauna nang sinabi ni Senate President Juan Ponce Enrile na hindi ito prayoridad ng Senado dahil posible itong magdulot ng pagkahiwa-hiwalay ng taumbayan.

Aminado si Enrile na maselan ang usaping RH Bill dahil sa matinding pagtutol ng Simbahang Katoliko dito.

Inihain sa Senado ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ang RH Bill, na siyang muntik nang mambulilyaso sa kumpirmasyon ni Education Secretary Armin Luistro, dating kleriko ng Simbahang Katoliko.

Mahigpit na tinututulan ng Simbahang Katoliko ang panukala ni Santiago dahil sinasagkaan umano nito ang karapatan ng isang pamilya na makapagdesisyon sa pagpaplano nila.

Nagkaroon na ng inisyal na pagdining nitong Oktubre 2010 at dinaluhan naman ito ng magkabilang panig at mga kinatawan ng pamahalaan.      Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply