Bangkay ng bebot lumutang sa ilog

NAAAGNAS  na nang matagpuan ang bangkay ng isang babae na palutang-lutang sa ilog Pasig sa Sta. Ana, Maynila, Huwebes ng umaga.

Inilarawan ni SPO3 .David Tuazon ng Manila Police District-Homicide Section ang biktima na nasa edad 15 hanggang 20, may taas na  5’5-5’7, kayumanggi, nakasuot ng pink na t-shirt at itim na leggings.

Sa imbestigasyon, 8:30 ng umaga nang makita ng isang concerned citizen ang bangkay at inireport sa Barangay 897, Zone 99 na siyang nakiusap sa dumaraang bangkero na itali ang paa ng bangkay sa gilid ng tulay upang hindi tangayin ng alon.

Walang nakitang indikasyon na pinahirapan o may sugat ang biktima kaya hindi pa matiyak kung ito ay pinaslang, nalunod o nagpatiwakal. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply