Bank manager, pisak sa trak

PATAY ang 62-anyos na bank manager matapos dapurakin ng tanker truck ang kanyang kotse sa kahabaan ng STAR Tollways, sa Lipa City, Batangas, Miyerkules ng umaga.

Natagalang alisin sa sasakyan ang biktima dahil sa pagkakaipit sa manibela kaya hindi agad naagapan at nalagutan din ng hininga ang biktimang si Armando Espina, 62, bank manager, ng Analyn Subdivision, Kunitang Ilaya, Batangas.

Hindi naman nakatakas ang suspek na si Dante Manuel, 27, ng Barangav San Roque, Angat Bulacan, drayber ng FUZO Tanker Tuck (NVD-179) na pag-aari ng isang Myrna Santiago.

Batay sa ulat ni Fire Sr. Inspector Von Ferdinand Nicasio, team leader ng Oplan Alalay sa STAR Tollways, sakay ng Sedan (WLH-508) si Espina patungong Manila nang pagdating sa Sitio Pakaalt, Barangay Lodlod ay sinalpok siya ng kasalubong na tanker.

Sa lakas ng pagkakabangga ay naipit ang una sa loob ng sasakyan at nahirapang mailabas kaya hindi na umabot nang buhay sa pagamutan. Gaynor Bonilla

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply