‘Bar blast’ suspect, lumutang na sa DoJ

SA kauna-unahang pagkakataon,lumutang sa Department of Justice (DOJ) ang pangunahing suspek na miyembro ng Alphi Phi fraternity (APO) sa pagsabog sa huling araw ng Bar examination noong nakaraang taon upang dumalo sa pagdinig.

Si Anthony Nepomuceno, miyembro ng Apo fraternity ay dumalo sa preliminary investigation sa DOJ kaugnay sa September 26, 2010 bar blast sa harap ng La Salle University sa Taft Avenue, Maynila.

Dumalo rin sa pagdinig si Raissa Laurel na biktima ng pagsabog at naputulan ng paa kasama ang kangyang abogado na si dating Senador Aquilino Pimentel Jr,

Pinangunahan naman Senior State Prosecutor Gerald Gaelan ang preliminary investigation ng kasong kriminal na isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) laban kay Nepomuceno.

Mariin naman pinabulaanan ni Nepomuceno ang akusasyon sa kanyan na siya ang naghagis ng granada sa tradisyunal na salubong sa huling araw ng Bar examination.

Magugunita na bukod kay Laurel na naputulan ng mga paa, umabot sa 40 katao ang nasugatan sa naturang insidente.

Samantala, nagsumite rin ng affidavit ang ina at kapatid ni Nepomuceno na sina  Ma. Luisa at kapatid  na si Antonette kung saan nakasaad na kasama nila ito noong maganap ang pagsabog sa kanilang bahay sa Marikina gayundin ang dalawang kaibigan nito na nagsasabi naman na nasa La Salle sila subalit hindi nila nakita ang akusado.

Napaiyak naman si Nepomuceno habang pinanunumpaan ng kanyang ina ang salaysay nito dahil pareho lamang umano sila ni Laurel na biktima at hindi sila nararapat na nasa DOJ. Teresa Tavares

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply