Bar exam inusog sa Nobyembre

INUSOG ng Korte Suprema sa buwan ng Nobyembre ang Bar examination ngayong taon.

Tuwing Setyembre ginaganap ang Bar exams sa mga nagnanais maging abogado.

Inihayag ni Supreme Court spokesman Atty. Midas Marquez na  sa University of Santo Tomas na rin gagawin ang pagsusulit.

Napagpasyahan aniya ng Mataas na Hukuman na ilipat sa Nobyembre ang Bar exams dahil maulan ang buwan ng Setyembre.

Kasabay nito ay nilinaw ni Marquez na walang kinalaman sa nangyaring pagsabog sa Bar exams noong nakaraang taon sa De La Salle University ang paglipat ng venue.

Una nang inihayag ni Chief Justice Renato Corona na inilipat ang venue sa UST dahil hindi na nag-renew ng kontrata ang La Salle.

Kauna-unahan din sa Bar exams ngayong taon ang multiple choice format.

Ayon kay Atty. Marquez, ang unang tatlong Linggo ng eksaminasyon ay para sa multiple choice questions at ang huling Linggo ay para sa essay. Gwenn Salamida

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply