Baril pinaglaruan, traffic enforcer kritikal

KRITIKAL ang isang traffic enforcer matapos tamaan ng bala ng baril na kanyang pinaglalaruan sa Navotas, iniulat Huwebes

Ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng tama ng bala sa likod si Jessie Dizon,  traffic enforcer ng Malabon City at residente ng Mallari st., San Agustin, nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ang kasamahan nito na si Edgar Viena, ng Letre rd., Malabon City.

Batay sa ulat, dakong 11 ng gabi, sakay ng biktima sa likuran ng Multi Cab ang suspek papauwi galing sa birthday party nang pagsapit sa Sipac Almacen, Navotas ay naglabas ng baril si Viena at pinaglaruan.

Dito na tinamaan ang nagmamanehong si Dizon dahilan para agad siyang isugod sa JRMMC. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply