Baron Geisler i-rehab! – Sen. Bong

KAILANGAN nang ipasok sa rehabilitation center ang actor na si Baron Geisler upang maipagamot ang pagkagumon sa alak na nagiging dahilan kung bakit lumalakas ang kanyang loob na mambastos ng kababaihan.

Ito ang inirekomenda ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., magtapos muling masangkot sa panibagong kontrobersiyal si Geisler nang dakmain ang dibdbi ni Cherry Pie Picache sa set ng teleseryeng “Noah.”

Lasing umano si Geisler nang dumating sa set kung kaya nang gagawin na ang kanilang eksena ni Picache na kunwaring bibitbitin ng aktor ang likuran ng aktres ngunit naging malikot ang kamay ng una at sinapo ang dibdib ng babae.

Nilinaw naman ni Revilla na hindi niya kinukunsinte ang ginawang panghihipo ni Geisler kay Picache dahil isa siya na gumigiit na dapat itong mabigyan ng leksyon sa kanyang kabalbalan.

Ngunit sa mga natatanggap na impormasyon ng senador, mabait naman daw ang aktor kapag wala sa  impluwensiya ng alak.

Bukod kay Picache, nasangkot din si Geisler sa pambabastos sa aktres na si Yasmien Kurdi kung saan nakabibin pa ang kaso nito sa lower court.

Ang anak nina William Martinez at Yayo Aguila ay isa rin sa binastos ni Geisler. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply