Basta pumayag sa drug test, Pacman lalabanan ni Mayweather

SUMAGOT rin sa wakas si undefeated boxer Floyd Mayweather, Jr. sa paulit-ulit na tanong kung kailan niya lalabanan si pound for pound king Manny Pacquiao.

“Huwag kayong mag-alala at gugulpihin ko iyang si Pacman. Lalabanan ko siya,” diretsahang sagot ni Mayweather.

Sa kabila ng kanyang salita na lalabanan si Pacman, sinabi nito na lalabanan niya ito kung papayag na sumailalim  sa drug test.

“I’m gonna fight the Pacman when he is off the power pellets,” wika ng Kano.

Matagal ng ipinipilit ng  fans na maglaban sina Mayweather at Pacquiao, na itinuturing ngayon na pinakamatikas sa larangan ng boksing sa kanilang weight divisions.

Upang matuloy ang laban, una ng nag-usap ang mga negosyador noong January 2010, subalit hindi natuloy matapos hilingin ni Mayweather na sumailalim sila ni Pacman sa Olympic-style drug testing.

Matapos ang matinding palitan ng maaanghang na salita, pumayag rin si Pacman na sumailalim sa drug testing hanggang 7 araw bago ang laban.

Subalit, dahil sa pitong araw bago ang laban na drug test na gusto ni Pacman, lalong naghinala ang mga Mayweathers na talagang gumagamit ng performance enhancing drugs ang Pambansang kamao.

Dahil hindi natuloy ang laban, idinemanda ni Pacquiao ang kampo ni Mayweather, kasama sina Floyd, Jr., Floyd Sr. at trainer/uncle Roger pati ang promoters Oscar de la Hoya at Richard Schaefer ng Golden Boy Promotions, ng defamation o paninira.

Imbes na si Mayweather ang labanan, pinili ng Filipino superstar na labanan si Ghanaian Joshua Clottey para sa kanyang March 2010 bout dahil sa pagguho ng negosasyon.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply