Batang bilyarista pasok sa Bugsy

DAHIL sa galing at husay na ipinakitang talent sa paglalaro ng bilyar sa ginaganap na National Collegiate Billiards League (NCBL), agad kinuha bilang miyembro ng Bugsy Promotions, billiard stable ng magagaling na manlalaro ng bilyar sa bansa,  si Rodlin John “RJ” Bautista.

Ang 13-year-old na si Bautista, graduating high school student ng St. Mary’s College sa Quezon City, ay lumalaban sa junior division ng B-League.

Nahuli agad ni Bautista ang atensiyon ni Mariano dahil sa husay na ipinakita niya sa simula ng B-League na ang layunin ay makadiskubre ng mga batang manlalaro na pwedeng isabak sa mga international competitions.

“He (Bautista) possesses the quality of future world class players starting from personality, dedication and discipline. With proper training and motivation, he is bound for glory in the sport of billiards,” ani Mariano na pormal na inanunsiyo ang pagkuha kay Bautista bilang pinakabata at pinakabagong miyembro ng Bugsy.

Nagsimulang tumumbok si Bautista, nakatira sa Bagumbayan, Quezon City, sa edad na 10 gamit ang sariling bilyar na binili ng kanyang ama na si Rodrigo.

Sa murang edad, nasungkit na niya ang kampeonato sa Tiger Cup Championship na ginanap sa Star Paper Billiards Center noong isang taon.

“Karangalan ko po ang maging miyembro ng Bugsy,” ani Bautista na regular na nag-eensayo sa Skirts Billiards sa Timog kasama sina Asian Games 2010 gold medalist at world class Dennis ‘Robocop’ Orcollo, Roberto ‘Superman’ Gomez, Carlo ‘The Cool’ Viado at Hadley Mariano ng Dela Salle-Zobel junior billiards team.

Isa pa sa sinisilip na maging miyembro ng Bugsy ay si Biondi Te ng  Xaviers School.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply