Batangas at Masbate nilindol

NAITALA ang dalawang lindol sa Batangas at Masbate, umaga ng Sabado, ngunit wala namang napaulat na nsaktan at nasirang ari-arian.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), bandang 2:28 a.m. nang  yanigin ng may magnitude 3.6 ang Batangas.

Batay sa Philvocs bulletin, natagpuan ang epicenter ng naturang lindol sa 23 km southwest ng  Balayan, Batangas.

Ilang oras ang nakalipas nang  yanigin naman ng lindol ang bayan ng Masbate, Masbate na may magnitude 3.2 bandang 6:23 a.m.

Natagpuan ang epicenter nito bandang 69 km northwest ng Masbate.

Hindi naman malaman kung saan naramdaman ang pagyanig. Wala ring naitalang aftershocks. Marj Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply