Batas sa carnapping higpitan nang todo

NAPAKALAKI talaga ang epekto ng pag-carnap sa mga sasakyan at pagpatay at pagsunog sa mga biktimang sina Emerson Lozano, Venson Evangelista at Ernani Sensil.

Nagkaroon ng sobrang takot ang mga may sasakyan sa mga pangyayaring ito.

Kung iisipin, talo ng mga krimeng ito ang mga kidnapping for ransom mula sa Mindanao hanggang saang sulok ng mahal kong Pinas.

Kung may katumbas man ang krimen, halimbawa sa Mindanao, eh, ang carnapping with ransom na may kasamang pugot-ulo.

Sinisisi, mga Bro, ang kahinaan ng batas dito.

Tila tatlong klase ang carnapping kasi.

Yun bang === carnapping na simple, carnapping na may kasamang puwersa at pananakot at carnapping na may kasamang pamamaslang o rape kaya.

Ang naunang dalawa ay sinasabing piyansabol at tanging ang huli ang hindi.
Sabi ng mga pulis na masisipag laban sa krimen, nakatatamad na ang pakikipaglaban sa mga carnapper sa naunang dalawang uri dahil piyansabol nga.

Kahit pa libo-libo ang karnapin ng mga tarantadong karnaper, makalalabas tiyak ang mga ito sa kulungan dahil sa piyansa.

Lalong yayaman lang ang mga ito sa pagtsaptsap at pagbebenta o buong pagbebenta ng kanilang mga kinakarnap at lalong magkakaroon ang mga ito ng pampiyansa.

Eh bibihira naman umano  na maganap ang carnapping with homicide o rape.

Pero dito isinasagad ng mga parak ang kanilang trabaho dahil tiyak silang hindi makalalabas sa kulungan ang kanilang mga nahuhuli dahil reclusion perpetua o 40 taong pagkabilanggo ang parusa rito.

O kayong mga mambabatas, paano nga hihigpitan ang batas sa carnapping para hindi maapektuhan ang morale ng mga matatapat na pulis at maprotektahan nang todo ang mamamayan?

Reaksyon ng reader

Hindi na kailangang ibalik pa ang bitay, PNOY. Isang utos mo lang sa HPG-LIMBAS Group na shoot to kill order ang kailangan sa lahat ng suspek sa Emerson Lozano, Ernani Sensil, Venzon  Evangelista senseless killings at Atienza carnapping. Ganyang klase ng hustisya ang nararapat sa tulad nito na mga suspek na makahayop, at hindi hustisya na makapiyansa lang, laya  na sa mga patotot na bayaran. Tapos patuloy pa uli sa pamemerwisyo ng kapwa at mga kawawang biktima.0920-960

****
Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply