Bebot na suspek sa gift bomb, kakasuhan na

SASAMPAHAN na ng kaso ngayong araw ng Task Force Mahogany ang babaing sinasabing nasa likod ng pagsabog ng granada na laman ng regalo na ikinamatay ng isang ginang noong nakaraang Disyembre.

Sinabi  ni Task Force Mahogany chief S/Supt. Federico Castro Jr., positibong itinuro ng nag-iisang witness ang suspek na siyang nag-abot ng regalo para sa pamilya Chua.

Matatandaang namatay ang misis na si Yvonne Chua matapos na sumabog nang binuksan ang regalong ibinigay ng suspek.

Ayon pa kay S/Supt. Castro, ang suspek ay dating nagsilbing kasambahay ng kamag-anak ng biktima.

Matatandaan na noong Disyembre 29, 2010, isang regalo ang natanggap ng biktima subalit nang buksan  ito, bigla na lamang sumabog ang isa sa limang granada na laman ng naturang regalo.

Una ng inihayag ng mga awtoridad na kabilang sa mga anggulong kinokonsidera sa kaso ay awayan ng pamilya. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply