Bebot pinatay ng textmate

DAHIL sa masangsang na amoy na nagmumula sa inuupahang kuwarto kaya nadiskubre ang bangkay ng tiyanggera ng RTW  na sinasabing pinatay ng kanyang textmate dahil sa “love triangle” sa Tondo, Maynila.

Nabubulok na ang katawan ng biktima na kinilala lamang sa pangalang “Luna” nasa 30 hanggang 33-anyos, may RTW sa Divisoria.

Sa ulat, 5:00 ng hapon nitong Lunes nang itawag sa Manila Police District Homicide Section ang natagpuang nangangamoy na bangkay ng biktima sa 837 Pilapil st., Barangay 51, Zone 4, District 1, Tondo.

Sa panayam kay  Elizabeth Lao, caretaker ng inuupahang kuwarto ng biktima, may isang taon nang naninirahan sa nasabing silid ang huli kung saan huli niyang nakitang buhay noong Enero 13, 2011, habang kaaway ang ipinakilalang pamangkin na kinilala sa alyas “Michael.”

Lumitaw naman sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) na may namatay ang biktima sa tama ng saksak sa leeg na sadyang ipinahawak pa ng suspek ang patalim sa biktima bago ikinandado ang kuwarto.

Napag-alaman din sa narekober na cellphone ng biktima na hindi totoong pamangkin niya si Michael kundi isang textmate na kanyang kinupkop ng ilang araw.

Isa pang cellphone at laman ng wallet ng biktima ang sinasabing tinangay ng suspek.

Hinala ng pulisya na “love triangle” ang motibo sa krimen dahil na rin sa dagdag na pahayag ni Lao na madalas niyang naririnig ang biktima na nakikipagtalo sa telepono kapag wala sa bahay ang ipinakilala nitong pamangkin.

Isa pa sa tinitingnang anggulo ng krimen ay ang maaaring pagseselos ni alyas Michael sa sinasabing karelasyong Intsik ng biktima na nagbibigay sa huli ng puhunan sa kanyang negosyo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply