Beermen kinapos, olats sa road game

BINIGO ng Talk N’ Text ang San Miguel sa Game 1 ng best-of-7 championship showdown sa Phoenix Fuel out-of-town encounter 91-82 sa Victorias City Sports and Amusement Center sa Negros Occidental.

Matapos ang maninipis na quarters ending na 20-19, 46-44, 68-67 pabor sa Beermen ay umarangkada ang Tropang Texters sa final quarter nang abutin ng pulikat si Jay Washington bago pumasok ang final canto at samantalahin nina Jason Castro, Ryan Reyes, Harvey Carey at Jared Dillinger ang pananahimik ng Beermen tungo sa tuluyang pag-alagwa sa pagtatala ng 8 puntos na abante ng Texters na inalalayan nila hanggang magwakas sa 91-82 iskor.

Ang Game 2 ay magbabalik-laro sa Cuneta Astrodome kung saan sisikapin ng tropa ni coach Ato Agustin na maitabla ang serye. RT

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply