Benepisyo ng AFP sa BCDA pinadadagdagan

ISINUSULONG ngayon ng isang kongresista ang panukalang madagdagan ang benepisyo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kasunduang pinasok ng Bases Conversion Development Authority o BCDA.

Sa inihaing panukala sa Kamara de Representante, binigyang diin ni Muntinlupa Rep.Rodolfo G. Biazon ang House Bill No.1163 na naglalayong itaas ang natatanggap na benepisyo ng  AFP sa BCDA sa 55 porsiyento mula sa kasalukuyang 35 porsiyento.

Ipinaliwanag ni Biazon  na ang kaniyang panukala ay naglilinaw na kailangang magkaroon din ng shares ang AFP sa pagpapaupa ng BCDA sa military bases.

Iginiit pa ni Biazon na nais lamang niyang masiguro na mapoproteksyunan ang interes ng AFP kaya isinaad nito sa kaniyang panukala na ang AFP at Department of National Defense ay magkaroon ng representasyon sa BCDA Board at sa Special Economic Zones na nilikha sa loob ng dating mga kampo ng militar.

Kailangan din umanong may pag-aapruba ang AFP at DND sa lahat ng negosasyong papasukin ng BCDA. Meliza Maluntag

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply