Best actress award ni Ai Ai delas Alas, paiimbestigahan kuno sa Senado

BALITANG-balita ang gagawing pag-iimbestiga ni Senador Gregorio Honassan sa pagkapanalo ni Ai-Ai delas Alas ng Best Actress sa pelikulang Ang Tanging Ina Mo Rin, Last Na ‘To! na kalahok sa kasalukuyang ginagawang MMFF 2010. Kaya lang, hanggang ngayon ay wala pang balita kung itutuloy ito o hindi dahil ayon sa aming source, may kilala siya sa Senado na ipinagtanong kung totoong may gagawing imbestigasyon sa komedyana.

May mga napagtanungan na daw pero negatibo umano ang resulta.  Ang balita ay kukunin daw muna ang opinyon nina Senador Bong Revilla, Senador Lito Lapid at Senador Jinggoy Estrada bago gagawan ng aksyon pero may isa umano sa nabanggit ang nagpahayag na mas magandang atupagin muna ang problema ng bayan kaysa pakialaman ang problema sa komedyana.  Kaya, abangan na lang natin ang susunod na pangyayari.

PERSONALIDAD NA GALING SING-ALONG BAR, KINAMUMUHIAN

Nakakagulat naman ang nasagap naming balita tungkol sa isang kilalang personalidad (A) na kinaiinisan ngayon ng mga naging kasamahan nito noong panahong isa lang siyang ‘no name’ sa kanyang ginagalawang mundo ngayon.  Ang sentiyemento sa kanya ay nakalimot na itong lumingon sa pinanggalingan.  Eh, noong mga panahon noon, naka-jeep lang naman ito habang  hawak-hawak ang kanyang mga custome pero ngayon nagbibilang na ng mga magagarang sasakyan.

Mayroon siyang kaibigan (B) na hate na hate siya dahil siya  umano ang umalalay kay A noong nagsisimula pa daw ito. Si B daw ay naghanap ng mga show hindi lang sa Kamaynilaan at probinsya kundi pati sa telebisyon.  Pati daw sa lovelife ni A ay siya pa rin ang naging ‘shoulder to cry on’ at siya pa rin daw ang palaging gumagawa ng paraan para magkasundo sina A at ‘papa’ nito tuwing may ‘war’ ang dalawa.

Napapa-iling na lang ngayon si B dahil hindi na daw nito nakikita ang personalidad na inaalagaan nito.  Nakailang Pasko at Bagong Taon na ang dumaan pero hindi man lang siya madalawa o mapadalhan ng text message.  Naalaala nito na noon ay barya lang ang kinikita ni A kaya naman, pati pang-jeep ni A ay siya ang nagbibigay ng pamasahe.

In short, malaki ang nagawa ni B sa tagumpay na tinatamasa ngayon ni A.  Kaya naman, hindi natin masisisi si B kung palagi natin siyang maririnig na magsasabi ng ‘I hate her!’ Alex Datu

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply