Bidding sa P63 milyon kontrata sa basura, ginagapang?

PINASINUNGALINGAN  ni Marikina City Mayor Del de Guzman ang mga naglalabasang balita na may gapangan sa bidding ng P63 milyong halaga ng kontrata sa pangongolekta ng basura sa lungsod ng Marikina.

Ayon kay Mayor de Guzman, may kumakalat umanong reklamo ng mga sumali sa bidding subalit hindi naman nagpapakilala ang mga ito. Sinabi ng alkalde na kung lehitimo ang mga reklamo ay dapat umanong magpapakilala ang mga ito upang matugunan at maaksyunan sa tamang proseso ang kanilang hinaing. Aniya, ang isang naagrabyado ay dapat may sapat na lakas ng loob na idulog ang kanyang reklamo. Magiging kaduda-duda umano ang motibo kung hindi magpapakilala ang mga nagrereklamo at maaring magdulot ng kaguluhan at pangamba sa tao.

Labingdalawa na umano ang nakalista sa bidding sa kontrata sa basura at ayon sa alkalde kasali din umano ang IPM Construction and Development na 15 taon na kinopo ang kontrata sa nakaraang administrasyon. Wala umanong pinapaboran ang lungsod at hindi rin kasali ang alkalde sa Bids and Awards Committee na pinamumunuan ni city engineer Alfonso Espiritu.

Sinisiguro ni de Guzman ang “transparency” sa naturang bidding patunay dito aniya ay ang tiwalang tatlong termino na ibinigay sa kanya ng kanyang mga nasasakupan.

Sa mga lumabas na artikulo, may mga maghahain diumano ng reklamo sa korte ng grave abuse of discretion sa proseso ng bidding  at lack of transparency. Subalit ayon kay De Guzman, hanggang ngayon ay sa mga dyaryo lamang lumabas ang mga ito na na maaring ang layunin lamang ay guluhin ang proseso ng bidding. Ben Reyes

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply