Big Bang kampeon sa Mayor’s Cup

TINANGHAL na kampeon si Big Bang matapos parematehin ng kanyang hineteng si class A rider Jessie B. Guce sa naganap na Mayor Edwina P. Mendoza Cup sa Sta. Ana Park sa Naic, Cavite.

Sa rektahan nakipagsabayan ng kayog si 2009 Philippine Sportswriters Association (PSA) jockey-of-the-year awardee Guce upang lampasan sina top favorite Queen Starr at second choice Tiger Moon.

Pagkatapos tawirin ni Big Bang ang meta ay nakopo nito ang top purse na P180,000 na ipinagkaloob ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM).

Ang nasabing tampok na karera ay selebrasyon para sa 2nd Anniversary ng Sta. Ana Park sa nasabing lugar.

Sumegundo si Tiger Moon na kumuha ng P67,500 habang pangatlo at pang-apat sina Queen Starr at Getting Better na nagbulsa ng P37,500 at P15,000 ayon sa pagkakasunod.

Samantala, sa unang race naipanalo ni Guce ang tersero liyamadong si Native Land sa isang Special Class Division 13.
Nakapagtala ng tiyempong 1:07.4 sa distansyang 1,100 meter race si Native Land. Elech Dawa

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply