Biktima ng paputok nadaragdagan pa rin

NASA “code white alert” pa rin ang Department of Health (DOH)  upang maging alerto para sa pagtugon sa mga mga dumarating na biktima ng paputok kahit tapos na ang Holiday Season.

Ayon kay Dr. Eric Tayag, hepe ng DOH National Epidemiology, ito ay dahil hindi  naman umano agad natatapos ang pagdating ng mga napuputukan kaya kailangan pa rin nilang maging handa para sa kanila.

Sa opisyal na talaan ng DoH, umabot sa 546 ang mga naging biktima ng paputok sa buong bansa  sa nakalipas na magdamag ng Disyembre 31, 2010 hanggang tanghali ng Enero 1, 2011.

Ayon pa sa opisyal ng DOH, marami pa rin ang nagpapaputok ng firecrackers habang ang iba naman ay namumulot ng mga nagkalat at hindi sumabog na paputok.

Aniya, ang code white alert ay ipinatutupad ng DoH tuwing may malaking pangyayari na kailangan ang full force ng mga manggagamot at health workers. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply