Bilang ng biktima ng paputok, umakyat na sa 546

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 546 na sakuna dulot ng pagpapaputok para sa pagsalubong sa 2011.

Ang nasabing bilang ay batay sa Fireworks Injury Surveillance ng DOH mula Disyembre 21 hanggang Disyembre 31, 2010.

Ang naitalang bilang ng sakuna ay mas mataas ng 87 o 19 porsyento sa taunang average na bilang ng sakuna mula 2005 hanggang 2009.

Mas mataas naman ito ng 34 o 7 porsyento kaysa sa naitala noong pagsalubong sa Bagong Taon ng 2010.

Ang National Capital Region pa rin na may 59 porsyento ng 546 na sakuna ang siyang may pinakamaraming bilang ng firecracker-related injuries.

Ang 518 (95 porsyento) sa 546 na sakuna ay dahilan sa papuputok; 20 (4 porsyento) pang sakuna ang dahilan sa ligaw na bala, at walong sakuna (1 porsyento) ang dulot ng fireworks ingestion.

Samantala, isa ang naitalang namatay dahil sa paputok. Ang biktima, isang 44 taong gulang na babae mula Bulacan, ang nagpakamatay sa pamamagitan ng paglunok ng piccolo powder.

Piccolo ang pangunahing dahilan ng sakuna ng may 182 katao.

Sumunod dito ang kwitis na nakasugat ng 174; pla-pla na nakabiktima ng 32; five-star na may 28 biktima; at baby rocket na nakasugat ng 15 katao.

Ipagpapatuloy ng DOH ang surveillance ng mga sakuna dahil sa paputok hanggang Enero 5.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply