Binatilyo, 3 araw na walang pagkain sa dagat, naligtas

ISANG 15-anyos na lalaki ang nakaligtas makaraang  tatlong araw na magpalutang-lutang sa karagatan matapos madiskaril ang kanyang sinasakyang Bangka.

Nabuhay si Mark Sanico sa gitna ng malamig na panahon at walang pagkain ni tubig sa karagatan mula sa Leyte ng Eastern Visayas na pumalaot hanggang sa Cebu, Central Visayas.

Nailigtas ng mga residente ng Brgy.  Guinsay, Danao si Sanico kung saan kaagad sinugod ito sa Danao City District Hospital makaraang dumaong ang sinasakyang bangka ng binata na nawalan ng gasolina.

Nabatid kay Sanico, Grade VI student, ng Brgy. Cayanian, Villaba, Leyte, hindi umano siya pumasok sa paaralan noong Lunes dahil inutusan siya ng kanyang lola na mangisda.

Naglayag si Sanico dala lamang ang kanyang pagkain na giniling na mais.

Napag-alamang nasiraan ang bangka na kinalululalan ni Sanico kung kaya di siya makabalik sa kanyang pinanggalingan.

Tiniis ni Sanico ang tatlong araw na wala siyang pagkain at malamig na panahon lalo na sa gabi. Marj Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply