Binata kalaboso sa kahol ng aso

KULUNGAN ang kinasadlakan  ng isang binata matapos mahuli sa akto habang ninanakaw ang isang manok na panabong makaraang magising ang may-ari ng manok sa kahol ng aso sa Marikina City kaninang madaling-arawy.

Hindi na nakatakas si Rolly Rosete, 19, ng Molave St. Brgy. Parang nang maaktuhan ni Oraculo Secarro, 41, ng Ipil Extn. Marikina Heights, nabanggit na lungsod habang hawak-hawak ang manok na panabong ng biktima.

Sa imbestigasyon, 1:29 ng madaling-araw  nang magising ang biktima dahil sa walang tigil na kahol ng mga aso sa kanilang lugar kung kaya naghinala siya na may tao sa paligid  ng kanilang bahay.

Nang sumilip ang biktima sa bintana ay nakita niya ang suspek na nasa loob ng kanilang bakuran at kinakalag sa pagkakatali ang kanyang manok.

Dito na dahan dahang lumabas ng bahay si Secarro at agad dinakma ang suspek bago dinala sa barangay at ipinagharap ng reklamong pagnanakaw. Jun Ferrer

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply