Binata napag-tripang saksakin, kritikal

ISANG binata ang nasa  kritikal na kalagayan ngayon sa pagamutan matapos mapag-tripang saksakin ng kanyang kalugar na hinihinalang  lango sa droga kamakalawa ng gabi sa Teachers  Village, Catmon, Malabon City.

Ginagamot pa rin ngayon sa Tondo Medical Center si Reggie Reyes, 24, ng Sitio 6, Catmon sa nabanggit na lungsod dahil sa tinamong malalim na saksak sa kaliwang bahagi ng tiyan.

Binigyan si Reyes ng 50/50 tsansang mabuhay ng doktor na nakaantabay sa kanya.

Agad naming nadakip ang suspek na si Alexis Borja alyas Nognog, 23.

Nabatid sa imbestigasyon ni PO3 Edsel Dela Paz na bumisita ang biktima sa kanyang nakakatandang kapatid sa loob ng nasabing village at nakasalubong nito ang pasuray-suray na si Borja dakong 11:30 ng gabi.

Hindi ito pinansin ng biktima at nagulat na lamang ng siya’y biglang bumunot ng patalim si Borja at undayan siya ng saksak.

Kaagad dinala sa ospital ang biktima ng nakakita sa kanyang duguang nakahandusay. Roger Panizal

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply