Binata patay, 2 pa kritikal sa pamamaril

PATAY ang isang binata, habang dalawang kasamahan nito ang nasa kritikal na kondisyon, makaraang pagtulong-tulungan ng pitong lalaki na pagbabarilin sa Marikina City.

Ang mga biktimang ay kinilala ni Marikina City Police chief, Sr. Supt. Romeo Magsalos na sina Oliver John Sailane, 22, habang ginagamot naman sa Amang Rodriguez Medical Center sina Cris Enaje, 24 at Erick Salverio, 21, pawang ng Daang Bakal st., Bagong Silang, Brgy. Nangka, Marikina City.

Sa pagsisiyasat nina PO3 Charles Pacquing at PO3 Francis Gonzales, ang insidente ay naganap dakong 10 kamakalawa ng gabi nang ang mga biktima ay magkakasamang nag-iinuman sa Daang Bakal st.

Ilang saglit pa ay dumating ang mga suspek na sakay ng tatlong motorsiklo saka pinagbabaril ang mga biktima.

Bagama’t mga sugatan ay nakatakbo ang dalawa, habang dead-on-the spot naman si Sailane.

Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang  ilang basyo ng kalibre 45 at kalibre 9mm na ginamit sa pamamaslang.

Inaalam na ng pulisya ang motibo sa krimen. Odessa Orpilla

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply