Binata pinutukan sa inuman, kritikal

NASA kritikal na kondisyon ngayon ang isang binata makaraang pagbabarilin ng isa sa dalawang motorcycle in-tandem, madaling-araw ng Sabado, sa Pasay City.

Nilalapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital bunga NG tama ng bala sa kanang dibdib si Jeric de Asis, nasa hustong gulang, ng No. 2300 Tramo St., ng nasabing lungsod.

Lumalabas sa imbestigasyon ni PO2 Dennis Desalisa, dakong 2:30 ng madaling-araw nakipag-inuman ang biktima kasama ang isang nagngangalang Mark Louis Guinto sa Landula St., Pasay City nang dumating ang suspek na si R-Jay kaangkas ang isang Borbie Salazar.

Sa hindi batid na motibo, bumaba si R-Jay at lumapit sa biktima bago sunud-sunod na pinaputukan ng baril.

Nang makitang napahandusay na at duguan ang biktima, agad na tumakas ang mga suspek dala ang ginamit na baril.

Hindi pa makausap ang kritikal na biktima at kinakailangan itong maaoperahan upang maisalba ang nanganganib na buhay. Johnny F. Arasga

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply