Binatilyong isnatser timbog

ARESTADO ng operatiba ng Quezon City Police ang isang  binatilyo na sangkot sa panghoholdap sa anak ng Judge sa Quezon City matapos muling mambiktima ng isang dalaga kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Joseph Mondejar, ng Brgy. Tatalon, nasabing lungsod.

Naaresto ang suspek ng awtoridad matapos biktimahin ang isang Remedios Salvo, 18, ng # 4 C Madiac St., Brgy. Santol, nabanggit na sa lungsod.

Ayon kay Pamitan, si Mondejar din ang matagal nang tinutugis ng QCPD matapos madawit sa pagnanakaw noong November 2010 sa anak ni Judge Alexander Balut ng QC-RTC.

Hinahanap na ng awtoridad ang kasamahan ni Mondejar na nakilalang si Robert Pilar na nagawang makatakas sa mga tumutugis ng awtoridad.

Sa inisyal na  ulat, nadakip si Mondejar bandang  12:10 ng madaling araw sa harap ng Philippine Charity Sweeptakes Office sa E. Rodriguez Blvd., corner BMA st., Tatalon.

Nabatid na naglalakad ang biktima sa naturang lugar kasama ang isang kaibigan nang sumulpot ang mga suspek na armado ng baril at patalim.

Mula dito ay tinutukan ng mga suspek ang biktima sabay kuha sa kanyang gamit saka tumakas.

Agad namang humingi ng tulong sa nagdaraang mobile patrol car ang biktima at mga barangay tanod saka nagsagawa ng follow up operations at nagresulta sa pagkaaresto kay Mondejar.

Nakuha sa suspek ang isang kalibre 38 baril,subalit nabigo naman na marekober ang bag ni Remedios na naglalaman ng cash, at identification cards.

Kasong robbery at illegal possesion of firearms ang kinakaharap ni Mondejar. James de Jesus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply