BOC iimbestigahan sa uncollected surety bonds

MAGSASAGAWA ang House Committee on Ways and Means ng isang motu proprio investigation sa bilyong pisong ikinalugi ng Bureau of Customs dahil sa hindi nakolektang surety bonds.

Sinabi ni Batangas Rep. Hermilando Mandanas, Chairman ng naturang komite, na tinatayang bilyong piso ang nawala sa BOC dahil sa “withdrawal of goods from BOC without payment of duties and taxes but only against uncollectible surety bonds.”

Nais ni Mandanas na magpaliwanag ukol sa hindi nakolekta at unliquidated surety bonds ang Department of Finance , ang BOC at ang Insurance Commission dahil nakakabahala aniya ito sa operasyon ng customs.

“There will be a motu proprio investigation considering the gravity of the situation as confirmed by the BOC Deputy Commissioner and Insurance Commissioner,” paliwanag pa ni Mandanas.

Nagkasundo ang komite na magsagawa ng motu propio investigation nang dinggin ng komite noong nakaraang Martes ang mga nabinbing anti-smuggling bills.
Nabulgar ang unliquidated surety bond nang banggitin ni  Valenzuela Rep. Magtanggol Gunigundo, dating hepe ng  Anti-Smuggling Unit at dating BOC Commissioner sa ilalim ng Administrasyong Ramos na noon pang 1992, ay nagsimula na ang uncollected at unliquidated surety bonds na dapat ay nasingil na ng gobyerno.

“I move that our oversight committee be activated to probe these uncollected surety bonds,” ayon kay Gunigundo. Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply