Bodega ng paputok sumabog, 31 sugatan

TINATAYANG 31 ang sugatan kabilang ang dalawang bumbero makaraang sumabog ang isang bodega ng paputok na pag-aari ni Mr. Benjie Chiong sa Zamboanga City.

Ayon sa City Social Welfare and Development Office (SCWDO), sumabog ang bodega ng Pacific Trading sa Nuñez Extension, naturang lungsod, pasado alas dos ng hapon kahapon kung saan 10 kabahayan ang nadamay habang basag-basag ang glass doors at bintana ng  Ciudad Medical.

Patuloy namang inaalam pa ng mga awtoridad at ng Bureau of Fire Protection (BFP) kung ano ang sanhi ng pagsabog.

Base sa pahayag ng bodegero, bigla na lamang umano ang pagsabog kasunod nito ay naglabasan na ang mga tao sa loob.

Agaran namang ipinag-utos ni Mayor Celso Lobregat ang pagbibigay ng tulong sa mga nasaktan at apektadong pamilya sa naganap na trahedya. Marj Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply