Boksingero positibong nagdo-droga

DAPAT na umanong palakasin ng mga sports organizations ang kampanya nito laban sa mga atletang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Ito ay matapos matuklasan na si unbeaten junior welterweight Joan Guzman ay positibo sa diuretic furosemide.

Kaya naman, siya ay posibleng suspendihin anumang araw mula ngayon ng Nevada State Athletic Commission.

Ayon sa ulat, si Guzman ay gumamit umano ng nasabing droga sa laban niya noong Disyembre ng nakaraang taon kay Jason Davis.

Matatandaan na si Guzman ay nanalo na ng world title fights sa 122 lbs at 130 lbs ngunit ang parati niyang paghahabol sa timbang ang sumira ng kanyang karera.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply