Sen. Bong, duda sa pagpapa-rehab ni Baron

DUDA si Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., na magagamot kaagad ni Baron Geisler ang kanyang pagkagumon sa alak sa loob ng tatlong buwan na pagpasok sa rehabilitation center.

Ayon sa senador, may nakausap siyang mga eksperto sa rehabilitasyon kabilang ang mga talamak na tomador na mahirap makarekober sa pagkagumon sa alak kaysa sa ipinagbabawal na gamot.

Dahil sa alak, nagbabago ang personalidad ni Baron kung saan nagagawa nitong mambastos ng kababaihan.

Ngunit, sinabi pa ni Revilla na dapat pagbutihin at magkaroon ng determinasyon ang aktor na ma-rehab sa pagkagumon sa alak dahil huling pagkakataon na ito para maayos ang kanyang pagkatao at trabaho sa industriya.

“Last chance mo na ito!”

Kamakailan, humingi ng tawad si Geisler kay Cherry Pie Picache, ang huling artistang nabiktima nito nang aksidenteng masapo ang dibdib ng aktres sa isang eksena sa set ng television series na Noah sa ABS-CBN.

Sinabi pa ni Revilla na kung pinatawad na si Geisler sa kanyang kasalanan kay Picache, sana naman ay pumasok sa isip nito na iyon na ang huling pagkakataon para siya’y magbagong buhay.

Bukod kay Cherry Pie, binastos din ni Baron ang dalagang si Yasmien Kurdi, ang anak ni William Martinez at Yayo Aguila at diumano’y si Julia Clarete din.  Ernie Reyes

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply