Bongbong, gustong makipag-ayos kay PNoy sa Marcos wealth

GUSTO nang tapusin ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang lahat ng kasong isinampa ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) na naghahabol sa sinasabing nakaw na yaman ng pamilya Marcos sa pamamagitan ng universal settlement.

Ngunit, ang himutok ni Marcos, wala kahit sino sa administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III ang gustong kumausap sa kanilang pamilya upang tuluyan nang maisara ang lahat nang nakabimbing kaso laban sa kanila.

Sinabi ni Marcos na hindi nagbabago ng posisyon ang pamilya nito hinggil sa kasong isinampa ng pamahalaan laban sa kanila ngunit nagkasundo silang makipag-ayos sa pamahalaan upang tuluyan nang matapos ang kaso.

Nilinaw pa ni Marcos na walang opisyal ni Pangulong Aquino ang nakikipag-usap sa kanilang pamilya maliban sa paghahabol ng PCGG sa korte.

Naniniwala naman si Marcos na malulutas ang problema ng bansa at makapagkakaisa ang buong sambayan ni Pangulong Aquino kung gagamitin lamang niya ang matibay na lideratong ipinagkaloob sa kanyang Liberal Party bukod pa sa mataas ang approval ratings nito.

Tinutukoy dito ng senador ang pagkakahalal  kay Aquino bilang chairman ng Liberal Party at  mahigit na 80 percent approval rating nito, batay sa pinakahuling survey. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply