Bouncing check law ipinabubuwag

UPANG matigil na ang pagsasamantala ng mga nagpapautang sa pamamagitan ng paghingi ng post dated check bago aprubahan ang loan ng nangungutang, ay isinulong ng isang kongresista ang pagbuwag sa Batas Pambansa 22 o Bouncing Check Law.

Sa House Bill 3954, sinabi ni Davao City Rep. Carlo Alex Nograles na napapanahon na para mabasura o mapawalangbisa ang umiiral na Bouncing Checks Law upang tunay na maisilbi ang hustisya.

Ipinaliwanag ni Nograles na ang pagsasawalang-bisa ng Bouncing Checks Law ay hindi nangangahulugang mawawalan na rin ng proteksyon ang mga nagpautang o creditor mula sa mapagsamantala.

Maaari aniyang mahabol pa rin ang mga tumatakbo sa kanilang obligasyon o utang sa pamamagitan ng pagsasampa ng kasong estafa at iba pang anyo ng panggogoyo o swindling na nasasaad sa Article 315 at 316 ng Revised Penal Code.

Nakasaad sa Batas Pambansa 22 na pinagtibay noong 1979, ang sino mang nagbigay ng tseke ng kanyang bank account na walang sapat na pondo ay mahaharap sa pagkakakulong ng 30 araw hanggang isang taon o pagmumulta ng hindi bababa ngunit hindi rin lalabis sa halaga ng tumalbog na tseke, at hindi hihigit sa P200,000.

Ang naisyung postdated checks ang ginagawang ebidensya ng pagkakautang, alinsunod sa itinatadhana ng BP 22.

Batay sa panukala ni Nograles, ang lahat ng kasong kriminal na nakabimbin sa hukuman dahil sa paglabag sa BP 22 ay maibabasura na rin. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply